Tuesday, May 02, 2006
unlucky in love? maybe
Factors according to myself and others why I'm "unlucky in love":
- BULAG - madalas "bulag" ako pagdating dyan. I'm blinded by my own doing. Hindi ko raw nakikita ang mga umaaligid-aligid sa akin.
- MANHID - "manhid" daw ako dahil hindi ko nararamdaman ang pag-ibig na tunay na ipinaparamdam na sa akin sa paligid ko. wa-effect daw mga pagpapacute.
- BINGI - hindi ko raw "naririnig" ang hinagpis ng pusong nagdurugo para sakin at nagpupumilit magsumamo.
- PASO - "napaso" na ako sa pagkakamali ng iba. ayaw nang maranasan pa.
- TAKOT - "takot" na magtiwala sa motibo ng mga taong di umanoy minamahal ako. takot na tumalon pa baka malaglag lang at walang sumalo.
- SANA KASO HINDI pag-iisip- mahilig ata akong lumagay sa sitwasyong "sana kaso hindi". mga tipong... "sana sinabi ko sa kanya kaso hindi", o kaya nama'y... "sana hindi ko pinakawalan kaso hindi", o tulad nang... "sana'y binigyan ko sya ng pagkakataon kaso hindi" at marami pang iba.
- BAKA PWEDE PA, SORRY NALANG attitude - madalas nahaharap ako sa mga tagpong "baka pwede pa, sorry nalang". Mga tulad nang magtatanong sakin ng "baka naman pwede pa kitang maging kaibigan, ahmm... sagot... ay sorry nalang hindi ko kaya ibalik sa dati"
- FRIEND ZONE - madalas masyado na akong nagiging komportable sa mga lalaki sa buhay ko kaya hindi na sila makaalis sa aking "FRIEND ZONE". pag mabagal madalas forever na nasa comfort zone ko sila. mga tipong... i love them too much to even try to change what we have.
- MAN HATER / INTIMIDATING appearance - masyado raw akong mahirap abutin. akala tuloy madalas "man hater" ako or "super taray / sungit". "Intimidating" daw masyado sa unang tingin.
- NOT LOOKING BUT NOT SEEING EITHER - pag tinatanong ako kung hinahanap ko ang pag-ibig. sagot ko hindi darating din yun hindi kailangan hanapin, siya ang hahanap sakin kaso mukang kahit nahahanap na ako hindi ko parin napapansin. kaya "i'm not looking but when it arrives i don't see it either" tungek!
- FOREVER'S NOT ENOUGH - hindi yan ang kanta ha! kasi para sa akin kung talagang worth it kahit pa gano ka tagal maghintay o magkalayo in the end kayo parin kung para sa isa't isa (oo na! hopeless romantic na kung ganun!) kaya tuloy madalas "not enough ang forever" para sa akin... haha
- LOVE HATE RELATIONSHIP - I "love to hate" those I really care about. weird ba? ahmm hirap lang i-admit sa sarili. hehe. yung tipong gusto ko nang kalimutan kaya i focus on their negative traits. try it! effective sya. chaka kung mahal din nang isang taong mahal ko ang taong minamahal ko hindi ko na ipaparamdam pa dun, sa kanay nalang. na-gets nyo?
- WALANG MALICE OR NAIVE LANG? - I never assume simply because I don't like to misinterpret things and look foolish in the end, so instead I "don't put malice on anything that's why sometimes I end up looking naive" in the process. masyadong patay-mali ata ako sa lahat. kaya patay nga't mali ako sa huli. ngek!
- BITTER SWEET ENDINGS - masgusto ko pa kasi minsan o madalas na "bitter sweet nalang ang endings". yung hindi na inaalam kung ano ba talaga ang katapusan, tipong mga "open- ended" kasi atleast sa ganun pwede mo nalang panghawakan ang masasayang alaala kesa masira pa ito nang pangit na wakas.
- TRAGICALLY PERFECTION CAN'T BE MET - sana kasi happy ending ang gusto ko. kung baga kung kayo na sana kayo na forever. mahirap na yan lalo na ngayon pero I'll still strive for it. I'm not perfect but I can work on reaching atleast "a half decent life style close to perfection."
at maraming pang iba... 15 lang yan sa napakarami pang factors sa buhay ko. hehe
"I miss me... I'll tell you when i figure it out"
"I'm getting there... you'll see. someday I'll be who I really want to be."
-gif l.t.
unbreak
;2:06 PM
|