"You may look; but you may not see... come closer so you may perceive."
Sa dami ng mga bagay at sa itsura nang aking kinalakihan na mundo, maaring mapagkamalang hindi ako nakararanas nang kahit kaunting kahirapan o pagkabalisa. Sa totoo lang, maraming maling tingin ang tao sa akin, mga taong mapanghusga sa aking paligid. Tulad rin ng iba, ako ay pinanganak na "tao" lamang - may puso, may isip, nakakaramdam at nakakaintindi. Nabubuhay nang normal sa aking kinagisnang buhay, kung saan ako ay marangal at sanay. Nakararanas rin nang kalungkutan at galak tulad nang iba at marunong ding umibig at magmahal. Ngunit tulad din nang kahit sino ako'y nauubusan rin ng pasensya at maaring magalit.
Ako ay isang normal na tao, normal na babae, normal na nilalang na mapagmahal at may respeto sa Diyos. Namumuhay nang tama; na hindi umaapak sa kahit sino man. Naghahangad lamang nang ikabubuti hindi lamang nang aking sarili, kung hindi nang-ikabubuti pati na aking mga mahal sa buhay. Hindi mayaman (para klaro ang lahat), hindi mahirap ngunit tama lang sa buhay.
At ako man ay hindi magpaapekto sa sinasabi nang iba at nakararami; madalas naglalaro parin sa aking isipan ang mga mapanirang tsismis nang mga nilalang na makitid ang isipan at pananaw sa buhay. Mga indibidwal na inuubos ang kanilang mga lakas at panahon sa panggugulo at panunutya sa takbo ng buhay ng iba. Hindi ko lamang maintindihan at lubos maisip na mayroong mga taong ganun, na napakataas ang tingin sa kani-kanilang sarili kung kaya't ang tanging napupuna ay ang dumi ng kanilang kapwa. Na dahil nauubos kanilang panahon sa pagkakalat ng kung ano-anong kwento ay hindi na nila napupuna at nakakalimutan ng pansinin ang kanilang sariling mga baho at dungis sa mukha. Maaring dahil narin ito sa kawalan nilang tiwala sa kabutihan ng nasa paligid nila o kaya naman ay sa kanilang pagkadismaya at kawalan ng pag-asa sa sarili nilang mga problema at buhay. Sadyang may mga taong naghahanap at gumagawa nang kung ano-anong kwento laban at mapanira sa mga taong maaring kanilang kina-iinggitan.
Kaawa-awa kung tutuusin ang ganitong mga klaseng tao ngunit ano nga ba ang ating magagawa sa mga tulad nila? Hindi ba't madalas ay mas nakauubos pasensya at nakakasawang patawarin ang ganitong mga nilalang? Totoo nga't lahat naman ng tao ay nakapagsasabi o makapagsasalita nang hindi kaaya-ayang laban sa kanyang kapwa mangyaring kahit man lamang isang beses sa kanyang buhay, ngunit hindi naman ito mahahalintulad sa pag-iisip at pananaw ng mga taong sanay na sa ganitong mga gawain.
Ang hindi naiisip nang mga taong may ganung pananaw sa takbo ng mundo ay maari silang makasira ng buhay ng iba. Na kung hindi man iyon ang kanilang hangad sa simula na kanilang tsismisan, ay sya namang nangyayari sa katapusan nang paglaganap nang lumaki na't sumanga nang kwento. Dahil sa bawat isang kabalbalang istorya na kanilang gagawin at ipapasa sa bibig ng iba, ay binibigayn nila nang tyansa at siguradong madadagdagan na kung saan magsasanga-sanga na sa masmalaki at masmagulo pkwento. Ang masaklap pa ay nangyayari ito nang hindi nila namamalayan o maaring sinasadya. At higit sa lahat ang nakakamangha pa ay ang kapasidad ng tao na masmaniwala sa kakaiba at hindi makakatotohanang kwento kaysa sa intindihan ang totoong mga pangyayari o buong puno't dulo nang istorya. Ang saklap na isipin na masmadaling pinaniniwalan ang sala-salaba't nang kasinungalingan kay sa simple at maliwanag na katotohanan. Hindi ko maipaliwanag kung bakit likas ang ganitong reaksyon sa tao. Hindi naman ginawang bobo ang sino man dahil lahat ay binigyan nang kakayanang mag-isip at pumili nang tama o mali, ngunit kung bakit nabubulag ang tao sa kulay nang nagtatagong lihim sa likod ng kasinungalingan; ay sya paring hindi ko malaman.
Dati ko nang ginawang pananaw ang kilalang kasabihan sa Ingles na kung inyong mararapatin ay aking gagamitin: "Stick and Stones can hurt my bones but Words can never hurt me" subalit aking napagtanto na masarap lamang itong paniwalan at hindi sadyang makatotohanan. Ito ay idealismong aking pinaniwalaan nang matagal na panahon, ngunit siguro hindi ito mapanghahawakan sa lahat ng oras at panahon. Hindi baga't lahit naman sa "Psychology" malaki rin ang epekto kugn hindi man mas malaki pa nga kung minsan ang berbal na pananakit kaysa sa pisikal.
At pagkatapos ko ngang pagtagpi-tagpiin ang lahat nang ito ay masaya narin ako sa aking kinahantungan na ako nalamang ay magpapatawad sa mga taong gumawa nang ganito sa akin at gagawa pa sapagkat tulad nang aking sinabi ako ay tao lamang kung kaya't tulad ko sila'y tao lang rin na hindi perpekto't mahina. Hindi narin ako para magpahila pa sa kanilang kahinaan at pumantay sa kanilang lebel. Salamat nalamang sa mga bagay na kanilang itinuturo dahil sa bawat pagsubok na aking hinahahrap ay ako'y lumalabas lamang na mas matatag at mas mabuting tao. Sana ay mapabuti rin sila upang makamit nila ang kapayapaang maaring hindi pa nakakamtan.
"sometimes you get what you need and not what you want... it may not always be your choice but you just have to go with the flow."
-gif l.t.
unbreak
;10:03 PM
|